Bagyong papangalanang “Rolly” papasok sa bansa ngayong araw o bukas; Typhoon Molave magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2020 - 05:46 AM

Posibleng pumasok na sa bansa mamayang gabi o bukas ng umaga ang panibagong tropical depression na binabantayan ng PAGASA.

Ang bagyo na papangalanang “Rolly” sa sandaling makapasok sa bansa ay huling namataan sa layong 2,070 kilometers east ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran.

Ayon sa PAGASA, sa sandaling pumasok sa bansa, posibleng tahakin ng bagyo ang Bicol Region – Eastern Visayas area.

Samantala, magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon ang Typhoon Molave na dating Typhoon Quinta.

Huling namataan ang bagyo sa layong 500 kilometers Northwest ng Kalayaan Islands, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers bawat oras at pagbugsong 190 kilometers bawat oras.

Patungo na ng Vietnam ang nasabing bagyo pero maghahatid pa rin ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Occidental Mindoro, Palawan at Western Visayas.

Tail end ng frontal system naman ang maghahatid ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Batanes at Cagayan.

Habang localized thunderstorms lamang ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

 

TAGS: Pagasa, QuintaPH, RollyPH, Tropical Depression, Typhoon, weather, Pagasa, QuintaPH, RollyPH, Tropical Depression, Typhoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.