Ex-PNP official na sangkot sa rifle scam nag-piyansa na

By Den Macaranas March 14, 2016 - 05:18 PM

petrasanta
Inquirer file photo

Personal na nagpunta sa tanggapan ng Sandiganbayan 5th Division si dating PNP Firearms and Explosive Office Director Raul Petrasanta kasama ang kanyang abogado para mag-lagak ng piyansa sa kasong Graft na kanyang kinakaharap.

Si Petrasanta, kasama ang iba pang mga dati at kasalukuyang opisyal ng PNP ay isinasangkot sa pagbibigay ng firearms license sa ilang kumpanya na nag-import ng daan-daang piraso ng AK-47 rifles.

Noong 2014 ay nabawi ang ilan sa mga  nasabing baril sa kamay ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA).

Umabot sa P750,000 ang kabuuang piyansa na binayaran ni Petrasanta para sa 25 counts ng Graft Charges.

Bukod kay Petrasanta, naglagak na rin ng piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan sina PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies chief Chief Superintendent Tomas Rentoy III, Senior Superintendent Eduardo Acierto, Senior Superintendent Allan Parreño, Superintendent Nelson Bautista, Police Chief Inspector Ricardo Zapata, Jr., SPO1 Eric Tan and SPO1 Randy De Sesto at Isidro Lozada na siyang operations head ng Caraga Security Agency.

Noong Biyernes ay nagbayad na rin ng piyansa sina Retired Civil Security Group Director Gil Meneses at dating FEO head Director Napoleon Estilles.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag sa media si Petrasanta na kaagad ding umalis sa gusali ng Sandiganbayan.

Si Petrsanta ang sinasabing inindorso ni dating PNP Chief Alan Purisima na humali sa kanya para pamunuan ang pambansang pulisya bago sila kapwa nasangkot sa AK 47 rifle scam.

TAGS: AK-47, petrasanta, PNP, sandiganbayan, AK-47, petrasanta, PNP, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.