Yellow heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Palawan

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Palawan dahil sa pag-ulan na dulot ng Typhoon Molave na dating Bagyong Quinta.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 28, yellow warning ang umiiral sa Palawan kabilang ang Kalayaan Islands.

Ayon sa PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking mga lugar.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau.

 

 

 

Read more...