Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 51,198
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (October 27, 3:00 PM) nakapagtala ng 455 na bagong kaso kaya pumalo na sa 51,198 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 13,429
Laguna – 14,762
Batangas -9,082
Rizal – 10,461
Quezon – 3,464
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 10,329.
Nasa 39,568 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 934 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 9,092
Laguna – 13,030
Batangas – 7,476
Rizal – 8,019
Quezon – 1,951
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 16 kaya umabot na sa 1,301 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 295
Laguna – 305
Batangas – 247
Rizal – 354
Quezon – 100
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.