Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina 2,989 na
By Mary Rose Cabrales October 28, 2020 - 05:01 AM
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.
Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (Martes, October 27) pumalo na sa 2,989 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.
Sa nasabing bilang, 235 ang active cases.
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 74 na.
Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 2,680 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.