Sec. Berna Puyat: Swab test dapat may price cap!

By Jan Escosio October 28, 2020 - 12:43 AM

Nanawagan si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na magtakda ng ‘price cap’ para sa swab at antigen tests para mabuhay ang industriya ng turismo sa bansa.

Kasunod ito nang pagpapaluwag ng Inter-Agency Task Force sa travel restrictions sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine at general community quarantine.

Ayon kay Puyat, kailangang maibaba ang presyo ng kinakailangang tests para makabiyahe at makapunta sa domestic travel destinations sa bansa.

Naniniwala ito na sa pagsigla ng industriya ng turismo, madadagdagan ang mga may trabaho at makakatulong ito sa pagganda ng lagay ng ekonomiya.

Umaapela ng kooperasyon ang kalihim sa DOH-accredited laboratories para maibaba ang presyo ng COVID 19 tests.

TAGS: antigen tests, covid testing, domestic travel destinations, Inquirer News, price cap on swab test, Radyo Inquirer news, RT PCR Test, Sec. Bernadette Romulo-Puyat, swabbing, antigen tests, covid testing, domestic travel destinations, Inquirer News, price cap on swab test, Radyo Inquirer news, RT PCR Test, Sec. Bernadette Romulo-Puyat, swabbing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.