Eastern Visayas, nakapagtala ng 124 na bagong COVID-19 cases
Nadagdagan ng 124 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,037 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Martes ng gabi (October 27), 6,481 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 938 o 14.47 porsyento ang aktibong kaso.
Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 5,482 o 84.59 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 60 pa rin ang mga residenteng nasawi o 0.93 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.