Ginebra kinapos, nilagok ng Rain or Shine sa OT

By Jan Escosio October 27, 2020 - 11:13 PM

Kinailangan pa ng karagdagang limang minuto para makabawi ng panalo ang Rain or Shine sa pakikipaglaban sa Barangay Ginebra sa pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup AUF Sports Arena sa Pampanga.

Nagtapos ang laban sa iskor na 85-82.

Sa kabila ng matinding pagod, ang beteranong si Beau Belga ang unang

Kinailangan pa ng karagdagang limang minuto para makabawi ng panalo ang Rain or Shine sa pakikipaglaban sa Barangay Ginebra sa pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup AUF Sports Arena sa Pampanga.

Nagtapos ang laban sa iskor na 85-82.

Sa kabila ng matinding pagod, ang beteranong si Beau Belga ang unang dumiskarte sa overtime para sa Elasto Painters para umangat sa ikalawang puwesto sa kanilang 4-1 standing.

Samantala, bumagsak sa 4-2 ang Ginebra para sa ikatlong puwesto.

Kapwa galing sa pagkatalo ang dalawang koponan.

Nakapag-ipon si Belga ng 20 puntos, lima sa overtime at kumamada ng 10 rebounds, apat na assists at dalawang steals.

Pinangunahan naman ni Scottie Thompson ang Ginebra sa kanyang 21 puntos.

TAGS: 2020 PBA Philippine Cup, Barangay Ginebra, Beau Belga, Inquirer News, PBA Bubble, Radyo Inquirer news, Rain or Shine, Scottie Thompson, 2020 PBA Philippine Cup, Barangay Ginebra, Beau Belga, Inquirer News, PBA Bubble, Radyo Inquirer news, Rain or Shine, Scottie Thompson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.