Top 4 most wanted person ng NCRPO, naaresto sa Cavite
Arestado ang Top 4 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa Indang, Cavite Martes ng tanghali (October 27).
Batay sa ulat ng NCRPO, nahuli ng Regional Mobile Force Battalion, NCRPO, 2nd Mobile Force Company – RMFB, Regional Special Operations Group (RSOG) – NCRPO katuwang ang Indang, Cavite Municipal Police Station – PRO 4A ang suspek na si Gregorio Aldovino alyas “Grey,” 28-anyos.
Sa pamamagitan ng Intelligence Packet of F2(Intel)-RMFB at isang buwang in-depth operational research, surveillance at monitoring, naaresto si Aldovino sa bahagi ng Agus-Os bandang 12:45 ng tanghali.
Ang naturang suspek ay may pending warrant arrest dahil sa kasong murder na inilabas ni Hon. Madonna Echiverri (Acting Presiding Judge) ng Quezon City RTC Branch 21 na may Criminal Case No. 18-05380.
Hindi maaaring makapagbayad ng piyansa ang suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.