Kopya ng ipinasang 2021 General Appropriations Bill ng Kamara ipapasa na sa Senado
Ipapadala na ngayong araw ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senado ang kopya ng inaprubahang P4.5 Trillion 2021 General Appropriations Bill (GAB).
Sa statement ni House Speaker Lord Allan Velasco, ang ipinasang record-high budget ay layong palakasin ang pagresponde ng pamahalaan at pasiglahin muli ang ekonomiya sa gitna ng nararanasang pandemya.
Hindi lamang aniya pinagtibay ang 2021 national budget sa oras, naaayon sa Konstitusyon at sa batas kundi tinitiyak din na ang spending plan sa susunod na taon ay magiging tugon sa pangangailangan ng publiko sa kabila ng pinakamalalang health crisis na nararanasan ngayon sa buong mundo.
Panghuli, ay nagpasalamat din ang speaker at sinabing hindi magagawa ang lahat ng ito kung hindi rin sa tulong ng mga dedicated house members, Secretariat at mga empleyado na nagtrabaho at nakipagpuyatan para lamang maaprubahan sa itinakdang oras ang budget at masigurong ito ay fair, equitable, timely at responsive sa pangangailangan ng bansa na lumalaban ngayon sa public health at economic crisis.
Ang pagpapadala ng kopya ng 2021 GAB sa Senado ay Mas maaga ng isang araw dahil dapat sana’y bukas pa ito gagawin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.