Pagbuo ng Department of Resilience itinulak ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio October 27, 2020 - 12:09 PM

Dahil sa pinsalang idinulot ng pananalasa ng bagyong Quinta, muling iginiit ni Senator Christopher Go ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience o DDR.

Diin ni Go malaking tulong kung may isang departamento o kagawaran ng gobyerno na nakatutok sa paghahanda at pagresponde sa tuwing may kalamidad.

Sa kanyang pag-upo bilang senador, inihain na ni Go ang Senate Bill No. 205 para sa pagbuo ng DDR, na layon pag-isahin na lang ang NDRRMC at Office of Civil Defense para sa mas epektibong disaster risk reduction and management.

Sinabi pa nito, dahil madalas ang pagkakaroon ng kalamidad sa bansa makakabuti kung may kagawaran na laging handa, agad makakakilos para sa mabilis din pagbangon ng mga maaapektuhan.

Ang panukala ni Go ay nakabinbin pa rin sa Committee of National Defense na pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson.

 

 

 

TAGS: Department of Disaster Resilience, disaster, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website, Department of Disaster Resilience, disaster, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.