Yellow heavy rainfall warning nakataas sa ilang bayan sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo October 27, 2020 - 08:55 AM

Nakararanas pa rin ng pag-ulan sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa PAGASA ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Typhoon Quinta at Tail end ng Frontal System.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga, Oct. 27 yellow warning level ang nakataas sa bayan ng Gonzaga at Santa Ana.

Maaring makaranas ng pagbaha at landslides.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang nararanasan naman sa Babuyan Island at sa mga bayan ng Buguey, Gattaran, Lasam, Lal-lo, at Allacapan.

 

 

 

TAGS: Cagayan, Gonzaga, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, santa ana, Tagalog breaking news, tagalog news website, yellow warning, Cagayan, Gonzaga, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, santa ana, Tagalog breaking news, tagalog news website, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.