Bilang ng mga napauwing OFs 231,026 na

Simula noong Pebrero, umabot na sa 231,026 ang kabuuang bilang ng mga napauwing Overseas Filipinos.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) itong nagdaang linggo lamang ay nakapagpauwi ng 7,732 pang OFs.

Sa 231,026 na kabuuang bilang ng mga umuwing OFs, 76,069 (32.93%%) ang sea-based, habang 154,957 (67.07%) ang land-based.

Pinakamarami sa mga umuwi ay mula sa Gitnang Silangan na umabot na sa 6,344.

Sa kabuuan, umabot na sa 28 special commercial repatriation flights ang na-facilitate ng DFA mula Middle East.

Mayroon ding 312 na stranded Agrostudies students ang napauwi sa bansa galing Israel noong Oct. 21 at 24.

 

 

Read more...