Mahigit 900,000 katao naapektuhan ng Typhoon Quinta

By Dona Dominguez-Cargullo October 27, 2020 - 07:41 AM

Umabot na sa mahigit 900,000 katao ang naapektuhan ng Typhoon Quinta.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, sa kabuuan, umabot na sa 938,746 na indibidwal ang naapektuhan.

Sa nasabing bilang, 177,467 ang nananatili sa mga evacuation centers.

Mayroong 855 na binuksan na evacuation centers sa Regions 3, 4-A, 4-B, 5, 7, 8 at CAR.

Ang iba pang mga naapektuhan ay pansamantalang nakikituloy sa kanilang kaanak.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang assessment ng mga local disaster office sa kung magkano ang halaga ng naidulot ng pinsala ng bagyo.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, QuintaPH, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Quinta, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, QuintaPH, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Quinta, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.