Pangulong Duterte may talk to the nation mamayang alas 8:00 ng umaga

Photo grab from PCOO Facebook video

Alas 8:00 ng umaga ngayong araw ng Martes, Oct. 27 eere ang talk to the nation ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon ito kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Si Pangulong Duterte ay nasa Davao City kasama si Senator Bong Go.

At kagabi ay nagkaroon ito ng virtual na pakikipagpulong sa ilang miyembro ng Inter Agency Task Force.

Inaasahang iaanunsyo ni Pangulong Duterte ang mga pagbabago o adjustment na ipatutupad sa quarantine measures para sa susunod na buwan ng Nobyembre.

Dapat sana ay lilipad patungong Davao City kahapon ang mga miyembro ng IATF pero may mga nakanselang biyahe dahil sa panalalasa ng bagyong Quinta.

 

 

 

Read more...