Typhoon Quinta papalabas na ng bansa ngayong umaga; bagong LPA papasok sa PAR bukas
Papalabas na ng bansa ngayong umaga ang Typhoon Quinta.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 605 kilometers west ng Calapan City, Oriental Mindoro o sa layong 305 kilometers north northeast ng Pag-asa Island, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilomteters bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Ang tropical cyclone wind signal number 1 ay nakataas na lang sa Kalayaan Islands.
Ang bagyo ay maghahatid pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Western Visayas, Occidental Mindoro, Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands, sa Aurora, Isabela, at Cagayan.
Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng uan ang mararanasan naman sa Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, Caraga, at sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.
Samantala, ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa ay huling namataan sa layong 1,855 kilometers east ng Southern Luzon.
Ang LPA ay inaasahang papasok sa bansa bukas araw ng Miyerkules o kaya ay sa Huwebes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.