Rollback sa presyo ng diesel at kerosene, epektibo na

By Dona Dominguez-Cargullo October 27, 2020 - 05:00 AM

Epektibo na ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong umaga.

May bawas na 25 centavos ang kada litro ng diesel at 15 centavos naman ang bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Unang nagpatupad ng rollback ang kumpanyang Caltex kaninang alas 12:01 ng madaling araw.

Ang iba pang mga kumpanya ay alas 6:00 ngayong umaga naging epektibo ang rollback.

Habang alas 8:01 naman ng umaga ang rollback ng cleanfuel.

TAGS: Bawas-presyo, BUsiness, oil price, rollback, Bawas-presyo, BUsiness, oil price, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.