Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (October 26, 3:00 PM) nakapagtala ng 321 na bagong kaso kaya pumalo na sa 50,743 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 13,301
Laguna – 14,704
Batangas -9,022
Rizal – 10,316
Quezon – 3,400
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 10,824.
Nasa 38,634 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 170 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 8,765
Laguna – 12,661
Batangas – 7,396
Rizal – 7,918
Quezon – 1,894
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 14 kaya umabot na sa 1,285 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 295
Laguna – 303
Batangas – 245
Rizal – 346
Quezon – 96
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay .