Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa ilang pribadong kumpanya na maaaring magtuloy ng pagsasagawa ng COVID-19 test sa mga umuuwing overseas Filipino worker (OFW).
Kasunod ito ng pagtigil ng Philippine Red Cross dahil sa hindi pa nababayarang utang ng PhilHealth na nasa halos P1 bilyon.
Ayon kay Sec. Harry Roque, gumagawa ng hakbang ang DOH para hindi matigil ang pagsailalim sa pagsusuri ng mga OFW.
Narito ang ulat ni Chona Yu:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.