Naitala ang mga bagong kaso mula sa 601 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Lunes ng gabi (October 26), 6,357 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 961 o 15.12 porsyento ang aktibong kaso.
Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 5,335 o 83.92 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 60 naman ang mga residenteng nasawi o 0.94 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES