#QuintaPH lumakas pa habang papalayo sa bansa; 3 lugar na lang ang nakataas sa Signal no. 1

Bahagya pang lumakas ang Typhoon Quinta habang papalayo sa bansa, ayon sa PAGASA.

Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 420 kilometers Kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro dakong 10:00 ng gabi.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong Kanluran sa bilis na sa 25 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Lubang Island
– Calamian Islands
– Kalayaan Islands

Ayon sa weather bureau, inaasahang lalabas ang bagyo ng teritoryo ng bansa sa Martes ng umaga (October 27).

Gayunman, asahan pa rin ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Western Visayas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands, Quezon, Aurora, Isabela, at Cagayan.

Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang iiral sa Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, Caraga, at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Samantala, may binabantayan ding low pressure area (LPA) ang PAGASA sa labas ng bansa.

Huli itong namataan sa 1,900 kilometers East ng Southern Luzon dakong 10:00 ng gabi.

Maaaring lumakas ito at maging tropical depression sa susunod na 48 oras.

Ayon sa weather bureau, posibleng pumasok ng PAR ang sama ng panahon sa araw ng Miyerkules, October 28, o Huwebes, October 29.

Read more...