NLEX Road Warriors semplang sa Phoenix, 114-110

By Jan Escosio October 26, 2020 - 10:55 PM

Photo credit: PBA Media Bureau

Nagkaroon ng magandang pagbabalik sa paglalaro sa PBA si Calvin Abueva nang padapain ng Phoenix Fuel Masters ang NLEX Road Warriors, 114-110, sa PBA Philippine Cup sa AUF Sports Arena sa Angeles City.

Matapos masuspinde ng halos 16 na buwan, nagtala ang tinaguriang ‘The Beast’ ng 21 puntos, 13 rebounds at pitong assists para ibigay sa Phoenix ang pang-apat na panalo sa PBA Bubble.

Sa third quarter ng laban, dahan-dahan na nilamon ng tropa ni Coach Topex Robinson ang 14 puntos na kalamangan ng NLEX.

Sa huling dalawang minuto ng laro, nagpasok ng tres si Justin Chua para sa 108-102 lamang ng Phoenix.

Ngunit nagpasok din ng tres si Kiefer Ravena na sinundan ng dalawang puntos ni JR Quinahan para ibaba ang lamang ng Fuel Masters sa isa.

Ngunit, tumikada si Abueva at nag-ambag muli ng mga puntos si Chua sa freethrow line.

Pinangunahan ni Matthew Wright ang Phoenix sa kanyang 28 puntos, samantalang nabalewala ang 27 puntos na produksyon ni Raul Soyud para sa NLEX, na bumagsak na sa 1-5 ang talo-panalo.

TAGS: calvin abueva, Inquirer sports, NLEX Road Warriors, PBA Philippine Cup, Phoenix Fuel Masters, Radyo INQUIRER sports, calvin abueva, Inquirer sports, NLEX Road Warriors, PBA Philippine Cup, Phoenix Fuel Masters, Radyo INQUIRER sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.