346 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan October 26, 2020 - 08:20 PM

Umabot sa 346 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Linggo ng hapon (October 25), hanggang 5:00, Lunes ng hapon (October 26).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 170 kung saan 68 ang adult habang 102 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 142.

20 naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, isa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, apat ang naninigarilyo habang walo sa iba pang ordinansa.

TAGS: curfew violators, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators, curfew violators, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.