Reklamong kidnapping vs Rep. Elago, et al ibinasura ng DOJ

By Jan Escosio October 26, 2020 - 08:24 PM

Kakulangan ng sapat na motibo ang idinahilan ng Department of Justice sa pagbasura sa mga kasong kriminal na isinampa ng PNP-CIDG laban kay Kabataan partylist Representative Sarah Elago.

Base sa 12-pahinang resolusyon, sinabi ni Asst. State Prosecutor Noel Antay Jr. na wala ng sapat na basehan para ipagpatuloy pa nila ang pag-iimbestiga sa mga kasong kidnapping at failure to return a minor na isinampa laban kay Elago kaugnay sa pagkawala ng kabataang aktibista na si Alicia Jasper Lucena.

Bukod kay Elago, kabilang din sa mga kinasuhan sina Communist Party of the Philippines founding chairman Joma Sison, National Union of People’s Lawyers member Neri Colmenares, limang opisyal ng Anakbayan at tatlong iba pa.

Sinabi pa ni Antay na walang ebidensiya na magpapatunay na nagre-recruit ang Anakbayan para maging miyembro ng CPP, National Democratic Front at NPA.

Paliwanag pa nito, kuwestiyonable rin ang kredibilidad ng dalawang rebel returnees na tumestigo para sa PNP-CIDG dahil sila ay naging miyembro ng League of Filipino Students, Makabayan at Gabriela Youth kayat wala silang personal na kaalaman sa mga aktibidad ng Anakbayan.

Nabigo rin ang PNP-CIDG na magpakita ng mga ebidensiya na magagamit para iugnay ang grupo ni Elago sa CPP, NDF at NPA.

TAGS: Alicia Jasper Lucena, Anakbayan, DOJ, failure to return a minor, Inquirer News, Joma Sison, kasong kidnapping, Neri Colmenares, PNP-CIDG, Radyo Inquirer news, Rep. Sarah Elago, Alicia Jasper Lucena, Anakbayan, DOJ, failure to return a minor, Inquirer News, Joma Sison, kasong kidnapping, Neri Colmenares, PNP-CIDG, Radyo Inquirer news, Rep. Sarah Elago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.