Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 26, nasa 11,203 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 81 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,140 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Wala ring bagong gumaling kung kaya 7,248 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 815 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,376 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,218 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 816 naman ang kaso sa Americas at 1,793 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.