Walang Pinoy na nadamay sa panibagong pag-atake sa Ankara
Ligtas ang mga Pinoy matapos ang panibagong madugong pag-atake sa Ankara, Turkey na ikinasawi ng 34 na katao.
Ayon kay Philippine Ambassador to Ankara Maria Rowena Sanchez, walang Pinoy na nasaktan sa naganap na car bomb.
Sinabi ni Sanchez na matapos ang pambobomba agad silang nakipag-ugnayan sa Filipino Community sa Ankara.
Maliban sa 34 na nasawi, nasa 125 ang naitalang sugatan sa pag-atake na inako ng grupong Al Qaeda.
Ito na ang ikalawang pag-atake sa Ankara sa loob lamang ng halos isang buwan.
Noong kasing February 17, may naganap na ding suicide car bombing sa lugar kung saan 29 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.