Manila LGU, sinimulan na ang paghahanda ng ipamimigay na regalo sa Pasko

Binabalot na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang regalo na ipamimigay ngayong Pasko sa 650,000 na pamilya.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, inumpisahan na nila ang pamimili ng mga food packs.

Bagamat hindi pa kumpleto, preparado na ang mga regalo.

Target ni Mayor Isko na may mapagsaluhan ang bawat pamilya sa Maynila ngayong Pasko.

Halimbawa na lamang aniya ang spaghetti, salad at iba pa.

Hindi man aniya magarbo pero ang importante ay may handa sa Pasko.

Bukod dito, may handog din na karagdagang gift packs at limang kilo ng organic rice ang lungsod para sa bawat sa senior citizen nito.

Tuloy din aniya ang pagkilos ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang tugunan ang isyu ng gutom at malnutrisyon sa buong siyudad.

Read more...