PCG, rumesponde sa dalawang maritime incident sa Batangas

Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa dalawang napaulat na maritime incident sa Batangas araw ng Lunes, October 26.

Ayon sa ahensya, sangkot sa insidente ang Supercat MV Saint Nuriel at Starlite Ferries MV Annapolis.

Kapwa sumadsad sa dalampasigan sa karagatang sakop ng bayan ng Mabini.

Bunsod ito ng nararanasang hindi magandang kondisyon ng dagat.

Dinala naman ang lahat ng nasagip na indibidwal sa Mabini Community Hospital para sa karagdagang medical assistance.

Read more...