Ilang lalawigan sa Luzon, posible pa ring ulanin
Posibleng makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon dulot ng Typhoon Quinta.
Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, inalis na ang lahat ng rainfall warning.
Gayunman, posible pa ring makaranas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Maaari anilang maranasan ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na tatlong oras.
Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.