Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ito ay bunsod ng Typhoon Quinta.
Sa huling datos hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (October 26), na-stranded ang mga pasahero sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol, at Western Visayas.
Maliban dito, stranded din ang 473 rolling cargoes, 21 vessels, at 10 motorbancas.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).
MOST READ
LATEST STORIES