Pulong ni Pangulong Duterte sa IATF, naapektuhan ng Bagyong Quinta
Naapektuan ng Bagyong Quinta ang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na makabibiyahe sa araw ng Lunes (October 26) ang mga miyembro ng Gabinete dahil sarado ang airport ng Davao City.
Nasa Davao pa ang Pangulo at tinutukan ang lagay ng bansa habang nanalasa ang Bagyong Quinta.
Ayon kay Roque, bagamat hindi personal na makadadalo sa meeting ang mga miyembro ng Gabinete, tuloy pa rin naman ang pagpupulong sa pamamagitan ng online platform na Zoom.
Malalaman aniya ng publiko ang magiging bagong quarantine classification na ipatutupad sa iba’t ibang panig ng bansa partikukar sa Metro Manila simula sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre.
Magugunitang hinihiling ng mga Metro Manila mayor sa Pangulo na panatilihin muna sa General Community Quarantine o GCQ ang Kalakhang Maynila habang unti-unting niluluwagan ang ekonomiya para makontrol pa rin ang galaw ng mga tao at maiwasan ang paglobo ng kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.