Dahil sa masamang panahon na epekto ng bagyong Quinta, sinuspindi ngayon araw ng MMDA ang operasyon ng Pasig River Ferry Service.
Delikado ang biyahe sa Pasig River dahil kasama ang Metro Manila sa mga lugar kung saan nakataas ang Public Storm Signal No. 1.
Noong nakaraang linggo, nang itinaas ang Public Storm Signal No. 1 sa Kalakhang Maynila dahil naman sa bagyong Pepito, sinuspindi din ng isang araw ang operasyon ng ferry service.
Ang ferry service ay bumibiyahe mula sa Escolta sa Maynila hanggang Pasig City at may walong istasyon kasama na ang sa Makati City.
Libre ang pasahe sa ferry service para sa mga kawani ng gobyerno at medical and health frontliners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.