Marcos sa Comelec: Sundin ang nakasaad sa batas
Lalo lamang titindi ang mga hinalang magkakaroon ng dayaan sa eleksyon kung hindi susundin ng Commission on Elections (Comelec) ang itinatakda sa ilalim ng batas hinggil sa pagdaraos ng halalan.
Pahayag ito ni vice presidential candidate, Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasunod ng mga pahayag ng Comelec na maaring maantala ng isang buwan ang eleksyon, o sa June 9, 2016 na lamang posibleng gawin.
Ayon kay Marcos, malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas na ang eleksyon sa bansa ay dapat gawin tuwing ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo.
Maliban dito, hindi rin aniya pwedeng bumalik ang Comelec sa mano-manong proseso ng halalan dahil sa Automated Elections Law.
“The constitution is clear: it says that the elections are to be held on the second Monday of May. Furthermore, elections cannot be manual because the Automated Elections Law mandates the use of automated counting machines,” sinabi ni Marcos.
Ayon kay Marcos na kung hindi makakatugon ang Comelec sa mga itinatakda ng batas, lalo lamang dadami ang spekulasyon na ang magaganap na halalan ay bukas sa pandaraya at pag-abuso.
Sinabi ng senador na dapat mapanatili ng Comelec ang integridad at kredibilidad ng proseso ng eleksyon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.