Pinahihinto ni Surigao Rep. Robert “Ace” Barbers ang Philippine Red Cross sa ginagawa nitong pamba-blackmail sa pamahalaan.
Ayon kay Barbers, mali rin na paratangan ng Red Cross ang gobyerno ng kung ano-ano dahil sa kabiguan nito na magbayad ng obligasyon sa takdang oras.
Dapat anyang tandaan ng PRC na lahat ng sentimo na nasa kaban ng bayan ay buwis ng bawat Filipino na kailangang pangalagaan.
Iginiit nito na hindi tulad ng PRC, kailangan munang makatiyak ang gobyerno sa legalidad ng kontrata na pinasok ng Philhealth at PRC pero hindi anya ito dapat gamiting pamblackmail sa pamamagitan ng pagpapahinto ng dapat sana at “noble duty” ng Red Cross.
Hindi rin anya ang pamahalaan ang nagdurusa sa ginagawa nng PRC kundi ang mga Filipino na kailangan ng serbisyo nito.
“Unlike PNRC, the government has to check the veracity of claims made against it by any entity. Also, it has to review the legality of the agreement made by and between PNRC and Philhealth. But this should not be taken against the government and blackmail it by stopping a supposedly public and noble duty of the Red Cross, Philippine or International”, saad ni Barbers.
Hinamon rin ni Barbers na magpakatotoo ang Red Cross sa kanilang layunin.
Sabi pa nito, dahil sa kabiguang magbayad ninais ng Red Cross na i-blackmail ang pamahalaan pero kaya naman nagtataka ito kung bakit hindi sila pinapalayas ng University of the Philippines sa property nito kahiut matagal ng hindi nakakabayad ng renta.
“If only for alleged unpaid dues you will resort to blackmailing, I wonder why the University of the Philippines has not evicted you yet from its property over which allegedly you have not paid rent for years”, dagdag ni Barbers.
Pahayag ito ng mambabatas dahil sa ginawang pagpapahinto ng Red Cross ng swab test na sagot ng Philhealth dahil sa bilyong piso na pagkakautang.