Barangay Tanod na rumesponde sa riot, patay sa pananaksak sa Quezon City

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Patay ang isang tanod ng Barangay matapos pagsasaksakin nang siya ay rumesponde sa riot ng grupo ng kalalakihan sa Litex road, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Jonathan Dinero, 27-anyos at naninilbihang tanod sa Barangay Commonwealth.

Nasaksihan pa mismo ng kapwa kasamahan sa trabaho ng biktima na si Ric Langyo ang pananaksak.

Sa salaysay Langyo,nag-iikot umano sila sa lugar malapit sa palengke ng Litex nang natyempuhan nila ang anim na lalaking nag-aaway.

Tinangka nilang awatin ang mga lalaki, pero sa halip na pumayapa ay napagbalingan pa sila ng mga suspek.

Ayon kaky Langyo, nagawa niyang makailag sa pananaksak pero ang kasamahang tanod na si Dinero ay tinamaan sa dibdib.

Kaagad namang nadakip ang suspek na si Ronel Paduano, 33-anyos at kasama nitong si Neil Goreni na ngayon ay nasa kostodiya na ng pulisya.

Read more...