RoRo sumadsad sa bahagi ng Bonito Island sa Batangas dahil sa masamang panahon dulot ng TY Quinta

Isang RoRo ang sumadsad sa Bonito Island, Tingloy, Maricaban, Batangas.

Bunsod ito ng nararanasang masamang lagay ng panahon dahil sa Typhoon Quinta na nagdudulot ng malakas na alon.

Ayon sa Philippine Coast Guard Coast Guard (PCG) naganap ang insidente alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 26.

Patungo na sa lugar ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station sa Tingloy para asisitihan ang mga crew ng MV RoRo 12.

Ang naturang barko ay pansamantalang nagkakanlong sa Bonito Island.

 

 

Read more...