12 nawawala, mahigit 9,000 ang inilikas dahil sa hagupit ng Typhoon Quinta
Nakapagtala ng labingdalawang katao na nawawala sa lalawigan ng Catanduanes.
Ito ay kasunod ng hagupit ng Typhoon Quinta.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal sinabi nitong nagsasagawa na ng search and rescue operations sa mga nawawalang indbidwal.
Nakapagtala din ang NDRRMC ng 9,235 na katao na naapektuhan ng bagyo at kinailangang ilikas sa kanilang tahanan.
Sa nasabing bilang, 5,704 ang nasa mga evacuation centers sa Calabarzon, Mimaropa, Region 5 at Cordillera.
3,504 naman na katao ang pawang nakituloy sa kanilang mga kaanak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.