Typhoon Quinta nasa bisinidad na ng Mamburao, Occidental Mindoro; TCWS No. 3 nakataas pa rin sa maraming lugar sa Batangas at Mindoro
Nasa bahagi na ng Mamburao, Occidental Mindoro ang Typhoon Quinta.
Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 3 sa sumusunod na mga lugar:
– southern portion ng Batangas
– northern and central portion of Oriental Mindoro
– northern and central portion of Occidental Mindoro
Signal number 2 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– Quezon
– Rizal
– Laguna
– nalalabing bahagi ng Batangas
– Cavite
– Metro Manila
– southern portion ng Bulacan
– southern portion ng Pampanga
– Bataan
– Marinduque,
– northern portion ng Romblon
– nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
– nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
– Calamian Islands
Nakataas naman ang signal number 1 sa mga sumusunod:
– Camarines Norte
– western portion ng Camarines Sur
– Burias Island
– nalalabing bahagi ng Romblon
– northern portion ng Palawan
– southern portion ng Aurora
– southern portion ng Nueva Ecija
– southern portion ng Tarlac
– nalalabing bahagi ng Bulacan
– nalalabing bahagi ng Pampanga
– central at southern portion ng Zambales
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Quinta ay maghahatid ngayong araw ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Camarines Norte, Camarines Sur, CALABARZON, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Capiz, at Antique.
Ang tail-end naman ng frontal system ay magdudulot din ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Sa susunod na mga oras ay lalabas na ng landmass ng Pilipinas ang bagyo.
Bukas ng umaga ay lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.