Yate lumubog habang nakadaong sa Bauan, Batangas; 1 ang nawawala

By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2020 - 08:06 AM

Mayroong isang nawawala makaraang lumubog ang isang yate sa Bauan, Batangas.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Batangas Port Manager Joey Sinocruz, natanggap nila ang distressed call mula sa barko alas 5:39 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 26.

Pitong sakay na ng yate na Ocean Explorer 3 ang nasagip habang isa pa ang nawawala.

Patuloy pa ang paghahanap sa nawawalang sakay ng yate.

Sinabi ni Sinocruz na hinampas ng malalaking alon sa pantalan ang yate hanggang sa tuluyan itong lumubog.

 

 

 

 

TAGS: Batangas, Batangas Port, bauan, Inquirer News, News in the Philippines, Ocean Explorer 3, QuintaPH, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Batangas, Batangas Port, bauan, Inquirer News, News in the Philippines, Ocean Explorer 3, QuintaPH, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.