Barko sa Shell Island sa Cebu, tinupok ng apoy; 2 ang sugatan

By Dalawa sa mga crew ng barko ang nasugatan at nagtamo ng 1st to 2nd degree burns. October 26, 2020 - 07:43 AM

Nasunog ang isang barko na nasa bahagi ng karagatang sakop ng Shell Island sa Cebu City.

Sa incident report ng Philippine Coast Guard (PCG) tinupok ng apoy ang MTUG Super Shuttle 3 dakong alas 3:30 ng madaling araw ngayong Lunes, Oct. 26.

Agad ipinadala ng Coast Guard ang BRP Suluan (MRRV-4406) para puksain ang sunog sa engine room ng barko.

Patungo sana ng Ouano Wharf sa Mandaue City, Cebu ang barko nang mangyari ang sunog.

Dalawa sa mga crew ng barko ang nasugatan at nagtamo ng 1st to 2nd degree burns.

Agad silang isinakay sa PCG ambulance sa Pier 3, Cebu City at dinala sa ospital.

Naideklarang fire out ang sunog alas 5:05 ng umaga.

Nahila na din ang barko sa patungong Ouano Wharf.

 

 

 

 

TAGS: Cebu City, MTUG Super Shuttle 3, philippine coast guard, shell island, Cebu City, MTUG Super Shuttle 3, philippine coast guard, shell island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.