Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag dahil sa pag-ulan dulot ng bagyong Quinta.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 194.11 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (October 26) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 192.14 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.23 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 101.03 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan din na nasa 79.40 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.32 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Magat dam.

 

 

Read more...