Filipino Archbishop kabilang sa bagong cardinals na hinirang ni Pope Francis
Nagtalaga ng labingtatlong bagong kardinal si Pope Francis.
Ayon sa CBCP news, kabilang sa hinirang bilang bagong kardinal ay si Archbishop Jose Advincula.
Inanunsyo ito ng Santo Papa sa kaniyang Sunday Angelus sa Vatican.
Si Advincula ang pang-siyam na cardinal sa Pilipinas kasunod nina cardinals Orlando Quevedo, Luis Antonio Tagle, Gaudencio Rosales, Jose Sanchez, Ricardo Vidal, Jaime Sin, Julio Rosales at Rufino Santos.
Sa edad na 68, mapapasama si Cardinal Advincula kasama si Cardinal Tagle mga cardinal na maaring makaboto sa conclave sa Vatican.
Siya rin ang ikaapat na living cardinals sa bansa kasama nina Rosales, Quevedo at Tagle.
Sina Rosales at Quevedo ay kapwa hindi na eligible na mapabilang sa conclave para maghalal ng bagong Santo Papa dahil lagpas 80 na ang kanilang edad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.