Antas ng tubig sa Marikina River nasa normal level pa

Nananatiling normal ang antas ng tubig sa Marikina River.

Pero halos maabot na nito ang alarm level na 15 meters dahil sa nararanasang pag-ulan.

Sa inilabas na abiso ng Marikina City Rescue, as of 6:00AM ngayong Lunes, Oct. 26, 14.4 meters ang water level ng Marikina River.

Umabot sa 6 millimeters ang naitalang rainfall amount sa nakalipas na mga oras partikular sa bahagi ng Mt. Boso-Boso, Mt. Aries, Mt. Campana, Mt. Oro at sa Nangka.

 

 

 

Read more...