Inilalabas na tubig sa Ipo dam dinagdagan pa; water level ng dam patuloy sa pagtaas

By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2020 - 05:01 AM

Patuloy na tumataas ang water level ng Ipo dam dahil sa pag-ulan na dulot ng Typhoon Quinta.

Sa inilabas na dam situationer ng PAGASA alas 2:30 ng madaling araw kanina (Oct. 26), ang water level ng dam ay nasa 101.30 meters at patuloy pang tumataas.

Dahil dito, itinaas ng Ipo Dam Management ang water discharged sa dam mula sa 47.70 cms patungong 158 cms.

Ang mga residente sa low lying areas at malalapit sa river bank ng Angat River partikular sa bahagi ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy ay pinapayuhan nang maging handa at alerto sa pagtaas ng tubig-baha.

 

 

 

TAGS: dam status, Ipo dam, Pagasa, water level, weather, dam status, Ipo dam, Pagasa, water level, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.