Escudero at Marcos, statistically tied sa latest SWS survey
Statistically tied na sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) sina Senators Francis “Chiz” Escudero at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa nasabing survey, si Escudero ay nakakuha ng 28% na may dalawang puntos na pagtaas kumpara sa survey noong nakaraang buwan. Si Marcos naman ay nanatili ang rating sa 26%.
Habang si Camarines Sur. Rep. Leni Robredo ay nakakuha ng 24% o may limang puntos na pagtaas kumpara sa February survey ng SWS.
Ayon sa political analyst na si Prof. Ramon Casiple, malinaw na ang pagtaas ng rating ni Robredo ay bunsod ng pagtaas din ng rating na nakuha ni LP presidential bet Mar Roxas.
Si Senator Alan Peter Cayetano ay bumaba ng 5 points ang nakuhang rating dahil mula sa 16% noong Pebrero ay 11% lang ang nakuha niya ngayong March survey.
Si Senator Antonio Trillanes IV naman ay nakakuha ng 6% na mas mataas ng 1 point sa 5% niya noong nakaraang survey, habang si Senator Gringo Honasan ay nakakuha 5% na mas mababa mula sa 6% noong nagdaang survey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.