Red warning nakataas sa Occidental Mindoro at Palawan

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa Occidental Mindoro at sa Mindoro Provinces, Palawan at Romblon.

Sa inilabas na rainfall warning alas 5:00 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 26, red warning level na ang umiiral sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Northern Portion ng Palawan at Romblon.

Orange warning level naman ang nakataas sa nalalabi pang bahagi ng Palawan.

Babala ng PAGASA sa mga residente, maari nang magdulot ng pagbaha ang nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

 

 

Read more...