Ipo Dam, magpapakawala ng tubig

By Angellic Jordan October 25, 2020 - 08:47 PM

Magpapakawala ng tubig sa Ipo dam, ayon sa PAGASA.

Sa Hydrological Dam situationer bandang 8:00 ng gabi, ang water level ng Ipo dam ay nasa 101.05 meters na.

Mas mataas ito sa normal high-water level na 101 meters.

Ito ay bunsod pa rin ng ulang dala ng Typhoon Quinta.

Magsasagawa ang Ipo Dam Managament ng spilling operation bandang 12:00 ng hatinggabi, October 26, na may initial approximate discharge ng 47 cms.

Inabisuhan naman ang mga residente sa mga mabababang lugar at malapit sa Angat River mula Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagono na maging alerto sa posibleng pagtaas ng tubig.

Patuloy namang tututukan ng PAGASA at Ipo Dam Management ang hydrological condition ng naturang dam.

TAGS: Inquirer News, Ipo dam, QuintaPH, Radyo Inquirer news, spilling operation Ipo Dam, Typhoon Quinta, Inquirer News, Ipo dam, QuintaPH, Radyo Inquirer news, spilling operation Ipo Dam, Typhoon Quinta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.