NCR at ilang lalawigan, makararanas pa rin ng pag-ulan

By Angellic Jordan October 25, 2020 - 08:29 PM

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, ito ay dulot pa rin ng Typhoon Quinta.

Mararanasan ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas at Quezon.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

TAGS: Bagyong Quinta, breaking news, Inquirer News, Pagasa, QuintaPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], Typhoon Quinta, weather update October 25, Bagyong Quinta, breaking news, Inquirer News, Pagasa, QuintaPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], Typhoon Quinta, weather update October 25

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.