BREAKING: Typhoon #QuintaPH muling nag-landfall sa Albay

(UPDATED) Nagkaroon ng ikalawang landfall ang Typhoon Quinta sa Albay, Linggo ng gabi.

Sa abiso ng PAGASA, unang tumama ang bagyo sa kalupaan ng San Miguel Island sa Tabaco City dakong 6:10 ng gabi.

Makaraan ang 40 minuto, nag-landfall muli ang bagyo sa bahagi naman ng Malinao.

Tumama ang bagyo bandang 6:50 ng gabi.

Antabayanan ang ilalabas na update ng PAGASA hinggil sa sama ng panahon.

Read more...