#QuintaPH, lumakas pa at itinaas na sa ‘typhoon’ category
Lumakas pa ang Bagyong Quinta at itinaas na sa ‘typhoon’ category bandang 2:00, Linggo ng hapon, ayon sa PAGASA.
Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 70 kilometers East Northeast ng Legazpi City, Albay dakong 4:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Kanluran sa bilis na sa 25 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3:
– Catanduanes
– Eastern portion ng Camarines Sur (Goa, Ocampo, Bula, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose, Tigaon, Sagnay, Buhi, Iriga City, Baao, Nabua, Bato, Balatan)
– Albay
– Sorsogon
– Burias at Ticao Islands
Signal no. 2:
– Camarines Norte
– Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
– Masbate
– Central at southern portions ng Quezon (Mauban, Sampaloc, Lucban, Dolores, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Perez, Alabat, Calauag, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Lopez, Pitogo, Plaridel, Gumaca, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Macalelon, Catanauan, General Luna, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco)
– Southeastern portion ng Laguna (Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Luisiana, Majayjay, Liliw, Rizal, Nagcarlan, San Pablo City, Alaminos, Magdalena, Pagsanjan)
– Batangas
– Marinduque
– Romblon
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island
– Northern Samar
Signal no. 1:
– Nalalabing bahagi ng Quezon
– Nalalabing bahagi ng Laguna
– Rizal
– Cavite
– Metro Manila
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– Southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, Castillejos, Subic, San Antonio, Olongapo City, Botolan, Cabangan)
– Calamian Islands
– Northern portion ng Samar (Calbayog City, Matuguinao, Tagapul-An, Santo Nino, Almagro, Santa Margarita, Gandara, San Jose de Buan, Pagsanghan, Tarangnan, San Jorge, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas)
– Northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras, Dolores, Can-Avid, Taft)
– Northern portion ng Capiz (Sapi-An, Ivisan, Roxas City, Panay, Pilar, Pontevedra, President Roxas)
– Aklan
– Northern portion ng Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi)
– Northeastern portion ng Iloilo (Batad, Balasan, Estancia, Carles)
Ayon sa weather bureau, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa eastern coast ng Camarines Sur – northeastern coast ng Albay sa pagitan ng 6:00 hanggang 8:00 ng gabi (October 25).
Posible naman lumabas ang bagyo ng teritoryo ng bansa sa Martes ng hapon (October 27).
Bunsod nito, asahan ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa CALABARZON, Bicol region, Aurora, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Calamian Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Capiz, Antique at Aklan.
Magdudulot din ng pag-ulan ang tail-end of a frontal system sa Cagayan, Isabela, Apayao at Ilocos Norte.
Makakaapekto rin ang dalawang weather system sa Metro Manila, nalalabing parte ng Luzon, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao, Caraga at nalalabing bahagi ng Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.